3 sugatan sa banggaan sa Rizal
Sugatan ang tatlong katao makaraang magkabangga ang isang cement truck at kotse sa Taytay, Rizal Linggo ng umaga.
Naganap ang aksidente sa bahagi ng Palmera 2 sa Barangay Dolores bandang 4:30 ng madaling-araw.
Kwento ng drayber ng cement truck, mabagal ang kaniyang takbo habang binabagtas ang pakurbang bahagi ng kalsada nang biglang sumalubong ang kotse mula sa kabilang lane.
Dahil dito, tumagilid ang cement truck at matindi naman ang tinamong pinsala ng sasakyan.
Agad isinugod sa ospital ang drayber ng sasakyan matapos dumaing ng sakit sa leeg.
Nagtamo naman ng sugatan ang drayber ng cement truck at isang kasama nito ngunit hindi na nagpadala sa ospital.
Samantala, nagdulot ng mabigat na trapiko ang aksidente sa nasabing lugar.
Ayon sa Taytay MDRRMO, naitabi na ang tumagilid na cement mixer at hinihintay na lang mai-tow.
Nagsagawa na rin anila ng flushing sa naturang barangay.
Sa ngayon, maaari nang daanan ang parehong daan ngunit asahan pa rin anila ang bigat ng trapiko sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.