DTI: Presyo ng bilihin ngayong “Ber months” hindi dapat tumaas

By Den Macaranas September 01, 2018 - 08:50 AM

Inquirer file photo

Tiniyak ng Department of Trade and Industry (DTI) na walang mararamdamang paggalaw sa presyo ng mga pangunahing bilihin sa pagpasok ng “Ber months”.

Kasama na dito ang mga Noche Buena items ayon kay DTI Usec. Ruth Castelo.

Ipinaliwnag ng opisyal na wala rin namang paggalaw sa farm gate prices kaya walang katwiran ang mga nagtitinda para magtaas ng kanilang produkto.

Tiniyak rin ng opisyal na magpapatuloy ang kanilang inspeksyon sa mga pamilihan kasama ang Department of Agriculture para matiyak ang sapat na supply at tamang presyo ng mga kalakal.

Sa nakalipas na linggo ay namonitor ng DTI ang pagtaas sa presyo ng manok  at ito ang nagtulak sa kanila para mag-ikot sa ilang mga palengke partikular na sa Metro Manila.

TAGS: ber months, BUsiness, castelo, chicken, dressed chicken, dti, ber months, BUsiness, castelo, chicken, dressed chicken, dti

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.