CBCP, nangako na hindi pagtatakpan ang sexual abuses ng kaparian
Nangako ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na walang magiging cover-up sa mga ulat ng pang-aabuso ng ilang kaparian.
Ito ay matapos umugong ang isyu ng pang-aabuso ng ilang mga pari lalo na sa ibang bansa dahil na rin sa pagbubunyag ng isang dating Apostolic Nuncio.
Sa inilabas na isang Pastoral Statement ay ipinangako ni CBCP President at Davao Archbishop Romulo Valles ang aksyon laban sa mga pari na nangmolestya.
“…And with renewed resolve and commitment to implement them and not cover them up,” ani Valles.
Dahil dito, hinikayat ni Valles ang lahat ng obispo na balikan ang umiiral na mga batas ng universal at local church tungkol sa sexual abuse.
Noong January 2016 ay inilabas ang ‘Pastoral Exhortation on the Pastoral Care and Protection of Minors’ kung saan ipinangako ng CBCP ang pakikipagtulungan sa gobyerno para maresolba ang sinasabing pang-aabuso ng ilang pari.
Iginiit din sa nasabing liham-pastoral na sisiguruhing ang Simbahan ay magiging isang ligtas na lugar para sa lahat ng Katoliko lalo na sa mga kabataan, habang pangangalagaan naman ang mga naabuso at kanilang mga pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.