Pang. Duterte at SC Chief Justice De Castro, nagkaharap na

By Len Montaño August 31, 2018 - 08:47 PM

 

Nagkita na sina Pangulong Rodrigo Duterte at bagong Chief Justice Teresita Leonardo-De Castro sa Malakanyang ngayong Biyernes (August 31).

Ito ang unang pagkakataon na magharap sina Duterte at De Castro mula nang italaga ng Pangulo ang bagong punong mahistrado.

Pinangunahan ni Duterte ang oath-taking ni De Castro na naitalaga sa pwesto noong August 25.

Kasama ni De Castro ang kanyang pamilya sa panunumpa sa Malakanyang.

Pinalitan ni De Castro si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno na napatalsik sa posisyon sa pamamagitan ng quo warranto petition na inihain ni Solicitor General Jose Calida.

Una nang sinabi ng Pangulo na ang appointment ni De Castro ay batay sa seniority.

Itinanggi ni Duterte na ang pagtalaga sa bagong Punong Mahistrado ay bilang reward o kabayaran sa pagpapatalsik kay Sereno.

Iginiit pa ng Pangulo na walang halong pulitika ang appointment ni De Castro.

 

TAGS: Supreme Court, Supreme Court Chief Justice Teresita Leonardo De Castro, Supreme Court, Supreme Court Chief Justice Teresita Leonardo De Castro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.