Duterte sa pagiging numero uno ng Davao City sa rape: Maraming maganda, maraming rape

By Rhommel Balasbas August 31, 2018 - 04:55 AM

CDN Photo

Pabirong ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit numero uno ang Davao City sa kaso ng rape sa bansa.

Magugunitang ayon sa datos ng Philippine National Police, Davao City ang nangunguna sa pinakamaraming bilang ng kaso ng panggagahasa sa second quarter ng 2018 sa 42 na sinundan ng Quezon City sa 41 at Maynila sa 32.

Sa kanyang talumpati sa selebrasyon ng 49th Charter Day ng Mandaue City, sinabi ng presidente na kaya maraming rape cases sa kanyang lungsod eh dahil maraming maganda rito.

“Ingon sila nga daghang rape ang Davao. Basta daghang guwapa, daghang rape (Maraming maganda, maraming rape),” ani Duterte.

Ayon kay Davao Police Regional Director Chief Supt. Marcelo Morales, paiigtingin ng pulisya ang information drive sa mga kababaihan kung paano makakaiwas sa rape.

Makikipag-ugnayan anya ang pulisya sa mga baranggay para isakatuparan ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.