Pang. Duterte buo pa rin ang suporta kay Sec. Piñol
Nanantili pa rin ang tiwala at suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Agriculture Secretary Manny Piñol.
Ito ay kahit sunud-sunod ang mga panawagan ng ilang sektor na sibakin sa pwesto si Piñol dahil sa lumalalang problema sa suplay ng bigas.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hangga’t hindi sinisibak ng pangulo si Piñol nangangahulugan ito na buo pa rin ang tiwala ng presidente sa opisyal.
Bukod kay Piñol, pinagbibitiw din ni Buhay Partylist Representative Lito Atienza sa kanyang puwesto si NFA Administrator Jason Aquino sa harap ng aniya’y krisis na nararanasan ngayon sa bigas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.