Aktor natagpuang patay sa kaniyang bahay sa Cavite

By Jan Escosio August 30, 2018 - 08:58 AM

Natagpuang walang buhay sa loob ng kaniyang bahay sa Silang, Cavite ang aktor na si Arnold Corpuz.

Si Corpuz ay gumaganap sa teleseryeng “Ang Probinsyano” ng ABS-CBN.

Ayon sa mga kaanak ng 38 anyos na aktor, noong Lunes pa nila hindi matawagan si Corpuz kaya Miyerkules ng gabi ay nagpasya silang pasukin na ang bahay nito sa Brgy. Biga 1.

Nadatnan nilang tadtad ng saksak ang katawan ni Corpuz sa sala ng bahay.

Nakasuot lang ng underwear at medyas si Corpuz.

Ayon sa Cavite police, may natagpuan na tatlong baso at alak sa balkonahe ng bahay na indikasyon na mayroon itong mga kasama bago nangyari ang krimen.

Nawawalan naman ang dalawang cellphone at mga alahas ng biktima kaya maaring pinagnakawan ito.

Si Corpuz ay gumanap na alkalde na nabiktima ng ambush sa “Ang Probinsyano”. Gumanap din siya sa Bagani at iba pang teleserye sa ABS-CBN.

TAGS: arnold corpuz, cavite, Radyo Inquirer, arnold corpuz, cavite, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.