Nakatakda nang magbitiw ang isa sa mga abogado ni US President Donald Trump na si Don McGahn.
Ang pagbibitiw ni McGahn ay kinumpirma mismo ni Trump.
Ayon kay Trump sa darating na buwan aalis na sa pwesto ang naturang opisyal.
Isa naman sa tinitignang dahilan ng pag-alis sa pwesto ni McGahn ay ang hindi niya pakikipagtulungan sa ginagawang imbestigasyon at pagdinig sa usapin ng panghihimasok umano ng Russia sa 2016 US elections.
Nang hingan ng pahayag, sinabi ni McGahn na nasurpresa siya sa ginawang pag-aanunsyo ni Trump hinggil sa kaniyang pagbibitiw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.