Konstruksyon ng Otis Bridge, makukumpleto bago matapos ang 2018

By Rhommel Balasbas August 30, 2018 - 02:02 AM

Pipilitin matapos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon ng Otis Bridge sa Paco, Maynila bago matapos ang taon.

Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar, minamadali na nila ang konstruksyon ng tulay.

Kung sakali anyang matapos ngayong taon ay mas maaga ito sa target completion date na nakatakda sa February 2019.

Matatandaang isinara ang 60-taong gulang na tulay sa mga motorista matapos madiskubre ang mga crack sa gitnang bahagi ng tulay.

Ayon pa kay Villar, lahat ng board piling sa ngayon ay tapos na.

Nagkakahalaga ang konstruksyon sa tulay ng P37 milyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.