UP President nag-sorry dahil sa kontrobersyal na Kabataang Barangay reunion na ginawa sa unibersidad

By Isa Avendaño-Umali August 30, 2018 - 12:52 AM

National Youth Commission, Ronald Cardema

“Tao lang po!”

Ito ang pahayag ni Atty. Danilo Concepcion, presidente ng University of the Philippines (UP), na umani ng batikos makaraang makiparty kasama si Ilocos Norte Governor Imee Marcos sa loob mismo ng UP campus.

Ayon kay Concepcion, nalulungkot siya sa punang naidulot ng kanyang pagdalo sa Kabataang Barangay reunion sa UP Diliman noong August 25.

Giit ni Concepcion, wala siyang masamang intensyon lalo na sa UP community na kanyang pinagsisilbihan.

Aminado siya na na-overlook niya ang epekto sa mga taga-UP ang reunion niya kasama ang mga dati nang kaibigan na hindi nakita sa loob ng maraming dekada.

Pagtitiyak ni Concepcion sa UP community na sa ilalim ng kanyang pamumuno ay hindi kalilimutan ang “dark period” o malagim na panahon ng bansa noong martial law ng rehimeng Marcos.

Patuloy din aniyang kikilalanin ang “best and brigthest” ng unibersidad na nagsakripisyo at lumaban para matamo ang kalayaan at demokrasya

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.