Paghahain ng COC para sa BSKE sa Marawi, hindi na palalawigin

By Rhommel Balasbas August 30, 2018 - 02:04 AM

Hindi na palalawigin ang paghahain ng Certificates of Candidacy (COC) para sa mga gustong kumandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa Marawi City.

Noong August 23 nagsimula ang filing period at ngayong araw ng Huwebes na ang huling araw ng paghahain ng kandidatura.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, wala silang natanggap na request para pahabain pa ang walong araw na filing period.

Magsisimula na ang campaign period sa September 12 at magtatagal hanggang September 22.

Ang halalan ay nakatakda sa September 22.

Nabalam ang eleksyon sa Marawi City dahil sa gulong idinulot ng ISIS-inspired Maute Terror Group sa lungsod.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.