Posibilidad ng El Niño tataas ng hanggang 65% ngayong Setyembre

By Rhommel Balasbas August 30, 2018 - 04:46 AM

Posibleng tumaas ngayong darating na Setyembre ng hanggang sa 65 percent ang posibilidad na maranasan ang El Niño sa bansa.

Sa 105th Climate Outlook Forum ng PAGASA, sinabi ni Climate Monitoring and Prediction Section Officer in Charge Ana Liza Solis na posibleng mamuo ang El Niño weather pattern sa pagitan ng Setyembre hanggang Nobyembre.

Sa ngayon anya ay kasalukuyan pang nararanasan ng bansa ang isang neutral weather condition kung saan hindi nararanasan ang La Niña o El Niño.

Gayunman, sa unang bahagi ng 2019 posibleng pumalo sa 78 percent ang posibilidad ng pamumuo ng El Niño.

Ani Solis, asahan na ang mas tuyot na kondisyon ng panahon sa ilang bahagi ng bansa sa unang bahagi ng 2019.

Ang El Niño ay isang weather phenomenon kung saan hindi pangkaraniwan ang pag-init ng panahon dahil sa pag-init ng Karagatang Pasipiko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.