Martial law extension sa Mindanao posible ayon sa Malacañang
Aminado ang Malacañang na pinag-aaralan na nila ang posibilidad ng pagpapalawig ng martial law sa Mindanao kasunod ng pagpapasabog sa Isulan, Sultan Kudarat.
Ikinatwiran ni Executive Sec. Salvador Medialdea na kailangang matiyak ang kaligtasan ng publiko kaya ipinatutupad ang batas militar.
Nananatili kasi ang banta ng mga pag-atake mula sa mga teroristang grupo ayon pa sa opisyal.
Ang naganap na pagpapasabog kagabi kasabay ng pista sa bayan ng Isulan ay nagresulta sa kamatayan ng dalawa katao at pagkasugat ng 37 iba pa.
Kanina ay inilagay na rin sa full-alert status ang buong pwersa ng Philippine National Police sa Mindanao.
Ang Armed Forces of the Philippines naman ay naglagay na rin ng dagdag na mga checkpoints.
Sa December 31, 2018 magtatapos ang pagpapatupad ng martial law sa Mindanao makaraan itong mabigyan ng extension nang dalawang beses.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.