Mindanao inilagay sa full-alert status ng PNP

By Den Macaranas August 29, 2018 - 05:36 PM

Inquirer file photo

Isinailalim na sa full alert status ang buong pwersa ng Philippine National Police sa buong rehiyon ng Mindanao.

Ito ang  naging kautusan ni PNP Chief Oscar Albayalde at mananatili ang full alert status habang umiiral ang martial law sa rehiyon.

Nangangahulugan ito na kanselado ang lahat ng days-off at leaves ng lahat ng mga tauhan ng PNP bilang tugon sa banta ng mga pag-atake ng mga kalaban ng pamahalaan.

Pasado alas-otso ng gabi kahapon ay isang pagsabog ang naganap sa Barangay Kalawag 3 sa bayan ng Isulan, Sulatan Kudarat habang ipinagdiriwang ang Hamungaya Festival sa lugar.

Dalawa ang naitalang patay samantalang 37 iba ang sugatan sanhi ng pagsabog na umano’y kagagawan ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF).

Ipinag-utos na rin ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang paglalagay ng dagdag na checkpoint sa ilang mga lugar para maiwasan ang kahalintulad na pangyayari.

TAGS: AFP, albayalde, BIFF, isulan, PNP, sultan kadarat, AFP, albayalde, BIFF, isulan, PNP, sultan kadarat

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.