P33M sinisingil ng MIAA sa Xiamen Air dahil sa runway closure
Kinumpirma ni Manila International Airport Authority General Manager Ed Monreal na umakyat na sa P33 Million ang halaga ng pananagutan ng Xiamen Air dahil sa insidenteng kinasangkutan nila sa Ninoy Aquino International Aiport kamakailan.
Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services, sinabi ni Monreal na ang nasabing halaga ay bilang kabayaran sa pagsasa-alis ng sumadsad na eroplano ng Xiamen Air sa runway ng NAIA.
Sasagutin rin ng nasabing airline company ang bayan sa ilan pang mga ginastos dulot ng naturang insidente.
Sa pagharap ng mga kinatawan ng Xiamen Air ay kanilang sinabi na babayaran nila ang lahat ng mga gastusin.
Sa pagdinig ng Senado ay inisa-isa naman ng mga airline company ang kanilang ginastos bilang ayuda sa mga pasahero.
Gusto nila na mapanagot ang Xiamen Air sa nasabing aberya sa paliparan na nagresulta sa pagkaparalisa ng NAIA sa loob ng 36 na oras.
Sinabi naman ni Sen. Grace Poe na siyang pinuno ng komite na dapat ay maglatag ng mga panuntunan ang MIAA para mas maging mabilis ang tulong sa mga stakeholders sakaling muling maulit ang nasabing insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.