Hybrid na latag ng 2019 national budget pinal nang napagkasunduan ng Kamara at Malakanyang

By Erwin Aguilon August 29, 2018 - 03:14 AM

Pinal na ang kasunduan ng Kamara at Malakanyang may kaugnayan sa hybrid na P3.757 T 2019 National Budget.

Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr. ito ay matapos magpulong kahapon ng umaga ang mga pinuno ng Kamara at si Budget Secretary Benjamin Diokno.

Sa nasabing pulong napagkasunduan ang pagtataas ng budget ng Department of Health, Department of Education at Department of Public Works and Highways.

Paliwanag ni Andaya, kukunin ang idaragdag na budget sa mga nasabing ahensya mula sa ire-realigned na unprogram funds sa ilalim ng 2019 National Funds.

Sa ilalim ng hybrid budget, magiging hati ang sistema ng cash-based at obligation based budgeting pero nakadepende ito sa klase ng proyekto.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.