NFA at NFA Council nagsisihan sa mabagal na pag-angkat ng bigas

By Len Montaño August 29, 2018 - 01:50 AM

FILE

Nagsisihan ang mga opisyal ng National Food Authority (NFA) at ang NFA Council dahil sa delay sa pag-apruba sa pag-aangkat ng bigas.

Ayon sa NFA at NFA Council, ang naturang pagkabalam para aprubahan ang rice import ang dahilan kaya kulang ang supply ng NFA rice.

Sinisi ni NFA officer in charge Tomas Escarez ang umano’y bureaucracy o pasikot-sikot ng proseso ng NFA Council para sa delay sa plano ng gobyerno na mag-angkat ng bigas para tugunan ang kulang na supply.

Hiniling aniya ng ahensya ang rice importation noon pang October 2017 pero inaprubahan lang ito ng Council noong Mayo.

Sinabi ni Escarez sa House ways and means committee na mas mataas sa kanila ang NFA Council na siyang nagsasabi kung ilan ang bibilhin at kailan ito darating.

Pero sinabi ni Trade and Industry Undersecretary Ruth Castelo, na bahagi ng NFA Council, ang late na pagsumite ng NFA ng rice supply inventory ang dahilan ng delay sa pagbili ng imported rice.

Ang anunsyo aniya ng NFA na wala ng bigas ang naging dahilan ng pagtaas ng presyo nito gayung 5% lang ng kailangang bigas ng bansa ang galing sa NFA dahil mayroong commercial at household rice.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.