6 na kabataan sa viral video na gumagamit ng droga sumuko na

By Rod Lagusad August 28, 2018 - 07:51 PM

Photo: Rod Lagusad

Kusang sumuko ang anim sa pitong kabataan na nasa viral video habang gumagamit ng ilegal na droga.

Ayon kay Barangay Chairman Edna Valenzuela ng Brgy. Tugatog sa Malabon City, natakot ang mga ito para sa kanilang seguridad kaya minabuti nilang sumuko na.

Dahil sa kanilang viral video, samu’t-saring pangba-bash ang natanggap nila sa social media.

Dagdag pa ni Valenzuela, ang nasabing video ay kuha pa noong taong 2016 at wala umanong intensiyon ang mga ito na ipakalat ang video.

Nag-leak ang video ng isa sa mga may kopya nito na siyang naging dahilan kung bakit naisapubliko ito sa social media.

Matapos sumuko ang anim na kabataan ay nanatili ang mga ito sa loob ng Intelligence Division ng Malabon City Police Station bago isinalang sa drug test.

Ang bawat isa dito naman ay may kasamang mga magulang o kaanak.

Samantala, hinihintay pa ang isa pang lalaki na nasa viral video na umuwi patungong Bicol.

Pero nilinaw ng Malabon City Police Office na nagpahatid na ng mensahe ang nasabing lalaki at nakahanda na rin siyang sumuko sa mga otoridad.

TAGS: duterte, Malabon, marijuanna, shabu, viral video, duterte, Malabon, marijuanna, shabu, viral video

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.