Roque: Panibagong reklamo kay Duterte sa ICC sa basurahan pupulutin
Kumpiyansa ang Malacañang na sa basurahan lamang dadamputin ang panibagong communication na inihain laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court dahil sa umano’y crimes against humanity.
Paliwanag ni Presidential Spokesman Harry Roque, pinagbabasehan ng palasyo ang konsepto ng complementarity.
Malinaw kasi aniya na hindi dapat na gumalaw ang ICC kung gumagana naman ang mga lokal na korte at hindi pinaiiral ang jurisdiction sa mga nakabinbing reklamo.
Sa sitwasyon aniya sa Pilipinas, klaro na kumikilos ang mga korte sa bansa.
Nanindigan pa si Roque na hindi maituturing na complaint ang bagong communication na inihain ng pamilya ng umano’y biktima ng extra judicial killings dahil hindi pa naman ito inaaksyunan ng ICC.
“Malacañang is optimistic that the latest communication filed against President Duterte for alleged crimes against humanity before the International Criminal Court (ICC) would not prosper,” pahayag ni Roque.
Sinabi pa ng opisyal na wala namang kabuluhan ang panibagong communication laban kay Duterte.
Kahit sino aniya ay maaring maghain ng communication.
Bukod dito, sinabi ni Roque na hindi lang ang pangulo ang nahaharap ng communication sa ICC dahil maging si Pope Francis ay may kahalintulad na kaso.
Una rito, naghain na rin ng kaparehong reklamo sa ICC si Attorney Jude Sabio laban kay Pangulong Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.