Kahinahunan dapat pairalin sa Spratly’s

By Jay Dones October 29, 2015 - 04:52 AM

 

Mula sa inquirer.net

Nanawagan ng hinahon ang pangulo ng Indonesia sa pinakahuling mga kaganapan sa West Philippine Sea.

Kasabay nito, hiniling din ni Indonesian president Joko Widodo sa China at sa Association of Southeast Asian Nation o ASEAN na umpisahan na ang diskusyon sa lalamanin ng code of conduct upang mabawas an na ang tensyon sa naturang lugar.

Sa pagbisita ni Widodo kay US President Barack Obama, sinabi nito na kanilang sinusuportahan ang freedom of navigation ngunit iginiit pa rin ang pagiging ‘neutral’ ng Indonesia sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippines Sea.

Samantala, ipinaramdam naman ng Chinese media ang kanilang galit sa Estados Unidos sa pagpapadala ng warship sa South China Sea.

Gamit ang social media, ipinakita rin ng mga netizens ang pagkondena sa anila’y pakikialam ng Amerika sa naturang usapin.

Nagpahayag din ng matinding pagkadismaya ang China sa Washington sa ginawang ‘sail-by’ ng guided-missile destroyer na USS Lassen sa karagatang napapaloob sa 12 nautical mile territorial limit ng isa sa mga ‘artificial island ng China sa Sptraly’s kahapon.

Kanila anilang namonitor ang agpasok ng barkong pandigma ng Amerika sa kanilang ‘teritoryo’ at agaran itong ‘binigyang-babala’.

Ayon pa sa Beijing, ang hakbang na ito ng Amerika na magpadala ng US warship sa South China Sea ay nakapinsala sa US-China relations at kapayapaan sa rehiyon.

Dahil din sa insidente, ipinatawag ng gobyerno ng China ang US Ambassador sa Beijing upang iprotesta ang ginawa ng Amerika.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.