2 petisyon kontra sa Bangsamoro Framework, inihain sa Korte Suprema

June 19, 2015 - 04:37 PM

paras
Kuha ni Ricky Brozas

Dalawang petisyon ang inihain sa Korte Suprema na naglalayong hilingin na maipawalang bisa ang Framework Agreement on the Bangsamoro (FAB) at ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB.)

Sa unang petisyon ni Negros Oriental Representative Jacinto Paras, kahalintulad lamang ng nag-udlot na Memorandum Agreement on the Ancestral Domain (MOAD) ang nilagdaang kasunduang pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front.

Hiniling din ni Paras na boluntaryong mag-inhibit sa pagdinig ng kanyang petisyon si Associate Justice Marvic Leonen na Chairman ng Peace panel ng pamahalaan nang malagdaan ang mga kasunduan anf FAB at CAB.

Samantala, giit naman ni Atty. Manuel Lazaro, na naghain ng isa pang petisyon sa Korte Suprema bilang legal counsel ng grupong Philippine Constitution Association o PhilConsA, nakasaad sa nilagdaang kasunduan ng gobyerno at ng MILF ang pagbuo ng isang  Bangsamoro entity, bagay na dapat aniyang ma-amyendahan muna sa Saligang Batas bago isakatuparan.

Hindi rin aniya basta na lamang palitan ng isang kasunduan ang itinatag na Autonomous Region In Muslim Mindanao (ARMM) dahil lalabag ito batas na nagtatakda ng paglikha ng isang Autonomous Region.

Pinangunahan nina Leyte Congressman Martin Romualdez, dating Senador Francisco Tatad, dating National Security Adviser Norbeto Gonzales at mga arsobispong sina Fernando Capalla ng Davao, Ramon Arguelles ng Lipa, Batangas, at Romulo dela Cruz ng Zamboanga ang PhilConsA.

Nagpetisyon ang grupo sa Korte Suprema para magpalabas ito ng Certiorari, prohibition at mandamus, TRO at Writ of preliminary injuction para ideklarang unconstitutional ang Framework Agreement on the Bangsamoro na nilagdaan noong October 2012, at ang Comprehensive Agreement on the Bangsamoto na nilagdaan noong marso 27, 2014.

‘Bakit ngayon lang?’

Hindi naman natatakot ang Malacañang sa mga kumukuwestiyon sa peace agreement na pinasok ng Aquino administration sa Moro Islamic Liberation Front o MILF.

Ayon kay deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, handa ang pamahalaan na sagutin ang nasabing petisyon oras na hilingin ito sa kanila ng Kataas-Taasang hukuman.

Ang ipinagtataka lamang aniya nila ay kung bakit ngayon lang lumabas ang mga pagtutol sa FAB at CAB na isang taon nang pirmado. – Jay Dones/Ricky Brozas/Alvin Barcelona

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.