Panibagong dagdag-singil sa produktong petrolyo, kasado na ngayong araw
Epektibo na mamayang alas-6 ng umaga ang panibagong oil price hike na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis.
Madadagdagan ng 60 sentimo ang bawat litro ng diesel, habang 10 sentimo naman ang para sa kada litro ng gasolina.
Samantala, magkakaroon naman ng taas-presyo na 45 sentimo ang kada litro ng kerosene o gaas.
Kabilang sa mga nag-anunsyo na ng panibagong oil price hike ang mga kumpanyang Caltex, Jetti, Petro Gazz, Petron, Phoenix Petroleum, PTT, SeaOil, Shell, at Total.
Unang sinabi ng mga industry sources na magkakaroon ng rollback sa presyo ng kerosene o gaas, ngunit matapos lumabas ang naging presyuhan ng krudo sa pandaigdigang merkado ay binawi ito at sinabing madadagdagan pa ang hala ng gaas.
Ito na ang ikatlong-sunod na linggo na nagkaroon ng oil price hike sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.