Rice tariffication, maaring magdulot ng pag-abolish sa NFA ayon sa Malakanyang

By Rod Lagusad August 28, 2018 - 04:21 AM

Maaring magbunsod ng pag-abolish sa National Food Authority (NFA) ang planong pagpapataw ng taripa sa mga inaangkat na bigas ayon sa Palasyo ng Malakanyang.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang rice tariffication bill ay siyang magpapaluwag sa impostasiyon ng bigas para masigurong may sapat na suplay.

Aniya dahil sa panukala, maari ng mag-angkat ang lahat ng bigas at may nakapataw na taripa dito.

Dagdag pa dito, kapag naipatupad ay mawawalan na silbi ang NFA.

Aprubado na ang rice tariffication bill sa Kamara na ayon sa mga may-akada nito ay sasagot sa problem sa kakulangan ng suplay ng bigas at makakapagtatag sa presyo.

Ang NFA ay binuo ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1972 para siguruhing ang food security at magkapagbigay daan sa murang bigas sa mga mahihirap.

TAGS: Malakanyang, nfa, rice tarrification, Malakanyang, nfa, rice tarrification

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.