Pagdinig sa impeachment complaint laban sa pitong SC justices itinakda na ng kamara
Itinakda na ng House Justice Committee ang pagdinig sa reklamong impeachment laban sa pitong mahistrado ng Korte Suprema sa unang linggo ng Setyembre.
Ayon kay Oriental Mindoro Rep. Salvador Doy Leachon, pinuno ng komite target nila na magsagawa ng inisyal na hearing sa September 4, 2018.
Sinabi nito na magiging independent sila sa pagdinig sa mga reklamo laban sa pitong mahistrado ng Supreme Court kahit na inihayag ng Malakanyang na madi-dismiss lamang ito.
Paliwanag nito, mayroong independence ang mga sangay ng gobyerno at bahagi naman ng demokrasya ang pahayag ng palasyo na maghayag ng sariling opinyon.
Ayon pa kay Leachon, diringgin ng kanyang komite jointly ang lahat ng mga impeachment complaint dahil may kaugnayan naman ang mga ito.
Noong Huwebes, ipinagharap ng impeachment complaint sa kamara nina Albay Rep. Edcel Lagman, Magdalo party-list Rep. Gary Alejano, Ifugao Rep. Teddy Baguilat, at Akbayan party-list Rep. Tom Villarin ang pitong mahistrado ng korte.
Kabilang dito ang bagong talagang Chief Justice na si Teresita de Castro at mga Associate Justicea na sina Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Andres Reyes, Francis Jardeleza, Noel Tijam at Alexander Gesmundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.