Bagong Bohol Airport pasisinayaan sa Oktubre

By Rhommel Balasbas August 27, 2018 - 02:18 AM

DOTr

Pasisinayaan sa Oktubre ang New Bohol Airport o Panglao Airport ayon sa Department of Transportation (DOTr).

Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, masyadong mahaba ang target completion date para sa airport na ito na itinakda sa 2021.

Dahil dito anya ay nagsikap ang kagawaran na habulin at bilisan ang konstruksyon nito kaya’t noong July 31 ay nasa 92.14 percent complete na ang paliparan.

Nagsimula ang konstruksyon ng airport noon pang June 2015 ngunit mabagal ang usad dahil sa mga delay.

Nagsagawa ng inspeksyon si Tugade kasama ang mga airport officials sa runway, passenger terminal, perimeter fence at sewerage treatment ng paliparan.

Iginiit ni Tugade na dapat masabik ang lahat sa Panglao Airport dahil ito ang kauna-unahang eco-airport sa bansa.

Gagamitin ng natural ventilation ang airport at maglalagay ng solar panels sa bubong ng passenger terminal building na sasakop sa one-third ng energy requirement sa naturang building.

Ani Tugade, ganitong mga airport dapat ang ginagawa sa bansa na may pagpapahalaga sa kapaligiran at sa mga susunod pang henerasyon.

Inaasahang palalakasin ng Panglao Airport ang turismo sa Bohol dahil nakikitang kaya nitong mag-accommodate ng dalawang milyong pasahero na mas higit sa doble ng kapasidad ng Tagbilaran airport.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.