De Lima muling nagdiwang ng kaarawan sa kulungan

By Rhommel Balasbas August 27, 2018 - 02:53 AM

Sa ikalawang sunod na taon ay muling nagdiwang si Sen. Leila De Lima ng kanyang kaarawan sa kulungan.

Isang misa sa pamumuno ni Puerto Princesa Bishop Emeritus Most Rev. Pedro Arigo kasama ang mga paring sina Robert Reyes, Flavie Villanueva at Albert Alejo ang naganap sa loob ng Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame.

Matapos ang misa ay isang birthday lunch ang naganap na dinaluhan ng mga kapwa senador sa oposisyon na sina Sen. Risa Hontiveros at Antonio Trillanes.

Dumalo rin ang ilang mga mambabatas tulad nina Caloocan Rep. Edgar Erice, Magdalo Rep. Gary Alejano, maging ilang mga dating opisyal tulad nina dating Solicitor General Florin Hilbay at dating Comelec Chairman Sixto Brillantes Jr.

Sa isang pahayag, sinabi ni De Lima na bagaman umiiral ang kawalan ng katarungan sa bansa sa ngayon ay nais niyang ikonsidera ang araw ng kanyang kaarawan bilang araw ng pasasalamat.

Sa kabila anya ng hindi makatarungang pagkakabilanggo sa kanya ay mas maraming dapat ipagpasalamat. Ito ay ang suporta ng kanyang pamilya, staff, mga abogado, dating mga kasamahan sa administrasyong Aquino at mga kakampi sa Senado at Kamara.

Pinasalamatan din ni De Lima ang kanyang mga taga-suporta at nanindigan na ipagpapatuloy niya ang laban sa kultura ng kawalan ng katarungan.

Samantala, bilang bahagi ng kanyang birthday celebration ay inilunsad ni De Lima ang kanyang libro na may pamagat na ‘Fight for Freedom and Other Writings’ na para umano sa mga Filipino na naniniwala na siya ay inosente sa mga akusasyon laban sa kanya.

Matatandaang nagsimulang ikulong ang 59-anyos na senador noong February 24, 2017 dahil sa mga kasong nag-uugnay sa kanya sa kalakaran ng iligal na droga sa New Bilibid Prison.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.