Pagkakaisa hiniling ni Senador Gordon para sa pagdiriwang ng National Heroes Day

By Justinne Punsalang August 27, 2018 - 03:44 AM

Inquirer File Photo

Sa pagdiriwang ngayong araw ng National Heroes Day ay hinimok ni Senador Richard Gordon ang bawat isang Pilipino na magkaisa para sa bansa.

Sa kanyang magkakasunod na Twitter posts ay inalala ng senador ang lahat ng mga Pilipinong lumaban at nakatulong para makamit ang kalayaan at kasarinlan ng Pilipinas.

Ayon sa senador, hindi lamang dapat inaalala ang mga tanyag tao sa kasaysayan, ngunit maging ang mga hindi kilalang Pilipino, kapwa sa nakaraan at kasalukuyang panahon, na mayroong kontribusyon para sa kalayaan, hustisya, at pagiging isang bansa ng Pilipinas.

Ayon pa kay Gordon, ang bawat isang Pilipino ay maaaring maging bayani sa sari-sariling pamamaraan malaki man o maliit, basta’t ang layunin ay gawing isang mas mabuting nasyon para sa lahat ang bansa.

Hinimok ni Gordon ang mga Pilipino na laging isipin ang pagiging makabayan at magkaisa patungo sa progreso ng Pilipinas. Aniya, maging ehemplo ang mga bayani ng bansa upang labanan ng lahat ang mga banta na bumabalos sa buong Pilipinas.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.