Niyanig ng isang lindol ang bayan ng Governor Generoso, Davao Oriental kaninang madaling araw.
Ayon sa detalyeng inilabas ng PHIVOLCS, naitala ang magnitude 3.7 na lindol sa 65km timog silangan ng nasabing bayan.
Naganap ang lindol kaninang alas-3:51 ng madaling araw.
May lalim ang pagyanig na 40km at tectonic ang origin nito.
Ayon sa PHIVOLCS, walang inaasahang anumang pagkasira sa mga ari-arian ang lindol. Wala ring inaasahan ang aftershocks na dulot nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.