Palasyo, binuweltahan ang alegasyon ni Alejano ukol sa kalusugan ni Duterte
Pumalag ang Palasyo ng Malakanyang sa alegasyon ni Magdalo Representative Gary Alejano patungkol ang kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tunay na layunin nito sa pagbisita sa Israel at hindi ang kapakanan ng mga overseas Filipino worker (OFW).
Ayon kay Presidential spokesman Harry Roque, napatunayan na ni Duterte na maayos ang kanyang lagay ng kalusugan matapos dumalo sa magkakaibang event noong nakaraang linggo.
Sinabi pa ni Roque na noon pa man, naging prangka na ang pangulo sa pagsasabi sa kanyang kalusugan.
Bwelta pa ni Roque, nais lamang ni Alejano na magkaroon ng exposure para sa kanyang kandidatura sa 2019 senatorial elections kung kaya panay ang banat nito sa pangulo.
Nakatakdang bumisita ang pangulo sa Israel sa September 2 hanggang 5 at pagkatapos ay tatawid sa Jordan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.