CJ De Castro, manunungkulan lamang ng 41 araw

By Chona Yu August 26, 2018 - 12:28 PM

Aabutin lamang ng 41 araw ang panunungkulan ni Supreme Court Chief Justice Teresita Loenardo-de Castro.

Ito ay dahil sa sasapit na si De Castro sa mandatory retirement age sa mga justice na 70 taong gulang.

Ayon sa source sa Palasyo ng Malakanyang, bago pa man nagsumite ng shortlist ang Judicial and Bar Council (JBC), napili na ni Pangulong Rodrigo Duterte si De Castro na pumalit sa puwesto nang napatalsik na si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon pa sa source, seniority ang naging basehan ng pangulo sa pagpili ng bagong punong mahistrado.

Si De Castro ang makapagtatala sa kasaysayan sa bansa na may pinakamaiksing termino bilang punong mahistrado.

Tatalunin ni De Castro ang record ni dating Chief Justice Pedro Yap na nakapagsilbi lamang ng 75 araw mula noong April18 hanggang June 30, 1988.

TAGS: CJ Teresita Loenardo-de Castro, JBC, Palasyo ng Malakanyang, Supreme Court, CJ Teresita Loenardo-de Castro, JBC, Palasyo ng Malakanyang, Supreme Court

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.