Duterte, bibisitahin ang mga sugatang sundalo sa Sulu
Natakdang bisitahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sugatang sundalo sa Jolo, Sulu.
Ayon kay Major General Arnel dela Vega, commander ng Western Mindanao Command (WestMinCom), inaasahang pararangalan ni Duterte ng Wounded Personnel Medal ang 21 sundalo ng Philippine Army.
Nasugatan ang 21 sundalo makaraan ang apat na magkakahiwalay na engkwentro sa naturang lalawigan.
Hindi naman magiging bukas para sa media at ilang lokal na opisyal ang Gen. Bautista Trauma sa Bus-bus, Jolo.
Matatandaang 20 miyembro ng 41st Infantry Battalion ang nasugatan matapos ang sumiklab na bakbakan kontra sa Abu Sayyaf Group sa bahagi ng Barangay Langhub sa Patikul noong August 23.
Sinabing pinamunuan ang umatakeng mga miyembro ng rebeldeng grupo nina Idang Susukan at Ben Tattoo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.