Surigao Del Sur, niyanig ng magnitude 3.2 na lindol
By Angellic Jordan August 25, 2018 - 04:19 PM
Tumama ang magnitude 3.2 na lindol sa Surigao Del Sur, Sabado ng hapon.
Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 20 kilometers South ng Marihatag dakong 4:00 ng hapon.
May lalim ang lindol na 21 kilometers at tectonic ang pinagmulan.
Gayunman, walang napaulat na nasirang ari-arian sa lugar.
Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.