P4.8M tulong-pinansyal, inilabas ng DFA, sa mga apektadong OFW ng NAIA runway mess

By Alvin Barcelona August 25, 2018 - 03:52 PM

Radyo Inquirer File Photo | Richard Garcia

Nakapagpalabas na ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng P4.8 milyong halaga ng tulong-pinansyal sa mga overseas Filipino worker (OFW) na stranded sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa pagsadsad sa runway ng eroplano ng Xiamen Airways noong nakaraang Biyernes.

Hanggang nitong Biyernes, nakapagbigay na sila ng P5,000 cash assistance sa 403 na stranded na OFW.

Sa kabuuan, umaabot na sa 962 na Pinoy worker ang nabigyan ng nasabing tulong.

Kaugnay nito, ipinaalala ng DFA sa mga OFW na naapektuhan ng pagsasara ng runway sa NAIA na kunin ang kanilang cash assistance sa Office of Migrant Workers Affairs (OMWA) sa ikatlong palapag ng DFA Building sa Pasay City hanggang sa pagtatapos ng office hours sa Biyernes, August 31.

Ang mga OFW naman na nakalipad na ay maaaring kunin ang nasabing tulong sa Philippine Embassy o Consulate General sa bansang kanilang pinaglilikuran hanggang 30 September 2018.

Kailangan lang ng Pinoy workers na personal na iprisinta ang kanilang pasaporte, original at reissued na ticket, employment contract at overseas employment certificates para makuha nito.

TAGS: DFA, NAIA, NAIA runway closure, ofw, DFA, NAIA, NAIA runway closure, ofw

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.