SMHC: Pagtatayo ng Bulacan International Aiport malapit nang simulan
Handa na ang San Miguel Holdings Corporation na isapinal ang kasunduan sa pamahalaan para sa proposed Bulacan airport project.
Nakapaloob sa concession ang terms para sa panukalang P735 Billion Bulacan International Airport na ngayon ay hinihimay ng mga kinatawan ng San Miguel Holdings Corporation at mga opisyal ng Department of Transportation (DOTr).
Sinabi ng SMHC sa kanilang pahayag na naayos na ang risk allocation matrix pati na rin ang pag-aaral sa inilabas na komento sa proyekto ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa nasabing proyekto.
Sa hiwalay na pahayag ay sinabi ng DOTr na kapag natapos na ang draft para sa concession agreement ay kaagad na nila itong isusumite sa NEDA Investement Coordination Committee (NEDA-ICC) bago simulan ang “Swiss challenge process”.
Ang nasabing proseso ay isang uri ng public procurement process para sa paghahanap ng mas maayos na bidder sa isang pampublikong proyekto.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni SMHC President at COO Ramon Ang na kung handa na ang DOTr ay handa na rin ang kanilang grupo para masimulan kaagad ang proyekto.
Sinabi ni Ang na kailangan ang isang world-class na paliparan para sa mas mabilis na pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
Tiniyak pa ni Ang na handa ang kanilang grupo na pondohan ang nasabing proyekto ng pamahalaan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.