Brush fire sumiklab habang binabayo ng Hurricane Lane ang Hawaii

By Rhommel Balasbas August 25, 2018 - 06:26 AM

Isang panibagong sakuna ang kinahaharap ng Hawaii sa kasagsagan ng pagbayo ng Hurricane Lane sa US state.

Ito ay matapos sumiklab ang isang brush fire sa Lahaina, West Maui na mabilis na kumalat.

Bunsod nito, kinailangang lumikas ng mga tao mula sa evacuation centers at dose-dosenang Coast Guard ships at helicopters ang inihanda na para apulahin ang apoy.

Hindi pa malinaw kung ano ang sanhi ng sunog ngunit pinalakas ito ng ulan at hanging bumabayo ngayon sa Hawaii dulot ng hurricane.

Samantala, mula ng magpasiklab ang buntot ng bagyo sa Big Island ay maraming kalsada na ang binaha.

Ibinabala ng US officials na magdadala ng matinding pagbaha at pagguho ng lupa ang sama ng panahon kahit kasalukuyan itong nasa Category 2 na lang.

Ayon sa National Weather Service, mahigit 30 inches ng ulan ang naitala sa Big Island kung saan inaasahang posibleng umabot sa 40 inches ang sa ibang lugar.

Samantala, libu-libong residente na rin mula mga isla ng Hawaii ang walang kuryente particular sa Maui, Molokai, Big Island, at Oahu.

Idineploy ng Federal Emergency Management Agency ang tatlong urban search and rescue teams sa Hawaii at inihanda na rin ang pagkain na tatagal ng anim na araw at 80 generators.

TAGS: Brush fire, hawaii, Hurricane Lane, Brush fire, hawaii, Hurricane Lane

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.