Resignation ni Jason Aquino, nakadepende sa kumpyansa sa kanya ng pangulo

By Rhommel Balasbas August 25, 2018 - 03:18 AM

INQUIRER photo

Iginiit ni National Food Authority (NFA) Administrator Jason Aquino na hindi siya magbibitiw sa pwesto.

Ito ay sa kabila ng panawagan nina Senator Kiko Pangilinan at Senator Bam Aquino noong Huwebes na magbitiw siya sa pwesto dahil sa mga hinaharap na krisis sa bigas.

Ayon kay Jason Aquino, ang kanyang pagbibitiw sa pwesto ay nakadepende sa kumpyansa at tiwala sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Iginiit pa ng NFA official na tahimik nilang ginagawa sa ngayon ang kanilang trabaho at hindi ito pinagmamayabang.

Ipinanawagan ni Pangilinan ang pagsibak sa matataas na opisyal ng NFA dahil sa akusasyon ng korapsyon at kawalan ng kakayahan.

Sinabi naman ni Bam Aquino na dapat nang magbitiw ang mga opisyal ng NFA at mahiya sa taumbayan dahil sa kapalpakan umano ng mga ito.

TAGS: NFA Administrator Jason Aquino', NFA crisis, NFA Administrator Jason Aquino', NFA crisis

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.