P10k na multa sa mga bus na lalampas sa bus lane sa EDSA isinusulong
Ikinukunsidera ng mga mayor sa Metro manila na magpataw ng P10,000 na multa laban sa bus na bibiyahe lampas sa yellow o bus lane sa EDSA.
Bawal sa mga bus na bumibyahe sa EDSA na lumampas sa yellow lane para walang clogging at para maibsan ang trapik sa lugar.
Ayon kay Quezon City Mayor Herbert Bautista, miyembro ng Metro Manila Council, may nagmungkahi na gawing P10,000 ang penalty sa paglabag sa bus lane at babawasan ng 3 hanggang 4 na mga bus ang operator.
May nagmungkahi rin anya na kung 100 ang mga bus ng operator, hindi ito pwedeng mag-ooperate ng 5 units nito sa 1 buwan.
Pinag-aaralan na anya ng Council ang naturang mga panukala.
Samantala, aminado naman si MMDA General Manager Jojo Garcia na short term solution lang o “band aid solution” ang kanilang mga hakbang kabilang ang high occupancy vehicle scheme (HOV) o ban sa driver only vehicle sa EDSA.
Ito anya ay habang hinihintay ng ahensya na matapos ang pagtatayo ng dagdag na mga kalsada na pwedeng daanan ng maraming sasakyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.