Road repair sa EDSA tuloy ngayong weekend

By Den Macaranas October 28, 2015 - 08:35 PM

edsa1
Inquirer file photo

Inanunsyo ng Department of Public works and Highways-National Capital Region (DPWH-NCR) na tuloy ang road reblocking at pag-aaspalto sa ilang bahagi ng EDSA ngayong weekend.

Sa kanilang inilabas na advisory, simula sa October 30 alas-onse ng gabi ay isasara sa daloy ng trapiko ang isang lane ng EDSA southbound sa kanto ng Estrella at Buendia dahil sa ilang metro ng road re-blocking.

Tatagal ang nasabing proyekto hanggang alas-nuebe ng umaga ng susunod na araw.

Inaasahan din ang pagsisikip ng trapiko sa dulong bahagi ng EDSA malapit sa kanto ng Taft avenue northbound sa nasabi ring oras at petsa dahil sa road repair.

Magsasagawa naman ng pag-aspalto sa ilang bahagi ng Tramo flyover simula bukas alas-onse ng gabi at inaasahang matatapos sa Sabado.

Ipinaliwanag rin ng DPWH-NCR na nakipag-ugnayan na sila sa PNP-HPG at MMDA para kaagad na maisa-ayos ang daloy ng trapiko sa mga apektadong lugar ng kanilang proyekto.

TAGS: DPWH, edsa, Reblocking, DPWH, edsa, Reblocking

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.