Dating flight attendant arestado sa pagpapadala ng bomb threat sa airline companies

By Isa Avendaño-Umali August 24, 2018 - 06:34 PM

Inaresto ng Philippine National Police o PNP Anti-Cybercrime Group ang isang dating flight attendant dahil sa “bomb threat” na ipinadala via email sa mga airline company.

Kinilala ang suspek na si Janette Alano Tulagan, na dating flight attendant ng Saudi Arabian Airlines base sa kaniyang account sa Linked in.

Sa bisa ng isang warrant of arrest ay nahuli si Tulagan sa kanyang bahay sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City.

Ayon kay Chief Insp. Artemio Cinco Jr., tagapagsalita ng PNP-ACG, nagpadala umano ng bomb threat si Tulagan sa email ng mga airline company.

Isa aniya sa mga airline company na nagreklamo ay nakatanggap ng mensahe mula sa email address na [email protected], kung saan nakasaad “Allah Hu Akbar! All flights Manila to Kuala Lumpur, Malaysia will have a bomb on board on July 13.”

Humingi ng tulong ang airline company sa PNP-ACG para matunton ang IP address ng nagpadala ng email.

Nadiskubre na sa mismong cellphone ni Tulagan ang ginamit sa pagpapadala ng email.

Kinumpiska na ang naturang cellphone ng suspek, na gagamitin bilang ebidensya sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1727 o Anti-Bomb Joke Law.

TAGS: Bomb threat, Former flight attendant, Janette Alano Tulagan, Bomb threat, Former flight attendant, Janette Alano Tulagan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.