Ika-6 na bronze medal ng Pilipinas nasungkit ni Meggie Ochoa para sa jiujitsu
By Dona Dominguez-Cargullo August 24, 2018 - 05:59 PM
Nakakuha ng bronze medal ang pambato ng Pilipinas para sa jiujitsu na si Meggie Ochoa.
Ito na ang ika-anim na bronze medal ng Pilipinas sa nagpapatuloy na Asian Games na ginaganap sa Indonesia.
Nauwi sa all-Filipino ang match up para sa bronze meda nang magharap sina Ochoa at Jenna Napolis para sa third-place match ng newaza women’s -49 kg jiujitsu competition.
Sa ngayon mayroon nang pitong medalya ang Pilipinas, isang ginto, at anim na bronze.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.