Shortlist ng JBC para sa susunod na chief justice natanggap na ng Malakanyang
Natanggap na ng Malakanyang ang shortlist ng Judicial and Bar Council (JBC) na pagpipilian ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa magiging susunod na chief justice ng Korte Suprema.
Sa inilabas na dokumento ng Korte Suprema ang shortlist ay natanggap na ng Office of the Executive Secretary, alas 2:00 ng hapon ngayong araw ng Biyernes, Aug. 24.
Sa nasabing shortlist, nakalagay ang pangalan nila Associate Justices Teresita Leonardo-De Castro, Diosdado Peralta at Lucas Bersamin.
Inilakip din sa shortlist ang curriculum vitae ng tatlo.
Pirmado ang shortlist nina Senior Associate Justice Antonio Carpio na tumatayong acting ex-officio chairman ng JBC at nina Senador Richard Gordon at Justice Sec. Menardo Guevarra – mga ex-officio member.
Mayroong hanggang Sept. 16 si Pangulong Duterte para pumili at magtalaga ng bagong magiging punong mahistrado ng Korte Suprema.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.