Dating Sen. Bongbong Marcos kinatigan ang “move-on” statement ng kapatid niya si Gov. Imee Marcos

By Isa Avendaño-Umali August 24, 2018 - 04:22 PM

Suportado ni dating Senador Bongbong Marcos ang kanyang kapatid na si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, na nahaharap sa kontrobersiya dahil sa “move-on” remark nito.

Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Marcos na naiintindihan niya ang pahayag ng kanyang kapatid dahil nangyari ang lahat ng mga ikinagagalit ng mga tao laban sa kanilang pamilya, tatlumpu’t dalawang taon na ang nakalilipas.

Ayon kay Marcos, nakasuhan ang kanyang pamilya at nagkaroon na ng resolusyon ang mga ito, kaya tama aniya si Manang Imee sa panawagan nito na mag-move-on na ang mga Pilipino.

May closure na rin aniya ang mga kaso kontra sa Marcos family, kaya kahit ang Presidential Commission on Good Government o PCGG ay binubuwag na.

Tanong naman ni Marcos sa kanilang mga kritiko, ano pa ang kailangang gawin ng kanilang pamilya.

Dagdag ng dating senador, paulit-ulit na lamang silang natatanong sa samu’t saring mga isyu, at paulit-ulit din silang sumasagot.

Kaya ani Marcos, tantanan na sana sila dahil mas maraming importanteng bagay na dapat pagtuunan ng pansin at mas may pangangailangan ang taumbayan, at hindi ang politika.

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., Imee Marcos, PCGG, Radyo Inquirer, Ferdinand Marcos Jr., Imee Marcos, PCGG, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.