Pinakamainit na temperatura sa Cebu sa nakalipas na 20-taon naitala noong Huwebes
Naitala ang pinakamainit na temperatura sa lalawigan ng Cebu sa nakalipas na dalawampung taon noong Huwebes, August 23.
Ayon kay PAGASA-Mactan Chief Al Quiblat, naitala ang 35.2 degrees Celsius na temperatura noong Huwebes ng hapon.
Pumalo naman sa 42 degrees Celsius ang heat index sa Cebu dakong alas 2:00 ng hapon.
Ito na ang pinakamataas na temperatura na naitala sa Cebu mula noong 1998 kung kailan naitala ang hottest temperature sa lalawigan na umabot sa 25.6 degrees Celsius.
Ayon kay Quiblat makararanas ng El Niño ang Cebu sa pagitan ng Nobyembre at Disyembre ngayong taon.
Ngayong buwan, nakapagtala ang PAGASA ng mababang rainfall amount sa Cebu na 17mm lamang.
Sa susunod na linggo, pupulungin ni Cebu Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office head, Baltazar Tribunalo Jr. ang mga local disaster officer para paghandaan ang posibleng maging epekto ng El Niño.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.