Hawaii, nakararanas na ng matinding pag-ulan habang papalapit ang Hurricane Lane
Nagsimula nang bumayo ang hangin at ulan dulot ng Hurricane Lane hindi pa man ito tumatama sa Hawaii.
Ayon kay Hawaii County Managing Director Wil Okabe, nakakakita ng alon na may taas na 31 talampakan sa timog na bahagi ng dalampasigan ng Big Island.
Mayroon ding mga ulat tungkol sa mga bato na bumabagsak mula sa Hilo park.
Samantala, dalawang campers ngayon sa Waipio Valley ang naipit sa Big Island at humihingi ng rescue sa mga awtoridad.
Ayon kay Okabe, hindi na makontak ang mga ito dahil sa pangit na reception ng mobile phones.
Iginiit din ni Okabe na mapanganib din para sa mga rescures na hanapin ang dalawa dahil sa landslides at katubigang humaharang sa mga lansangan.
Nananatili sa category 4 ang Hurricane Lane na inaasahang magdudulot ng pinsala sa Hawaiian Islands.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.