AFP handang ipagtanggol ang Pilipinas anumang oras – DND
Tiniyak ng Department of National Defense (DND) na lagging handa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ipagtanggol ang bansa.
Ang pahayag na ito ay kasunod ng mga ulat tungkol sa posibleng deployment ng China ng nuclear weapons sa South China Sea.
Ayon kay DND spokesperson Arsenio Andolong, handa ang militar na tuparin ang mandato nito at gagamitin ang lahat ng kagamitan na mayroon ang Sandatahang Lakas.
Gayunman anya ay wala pa silang nakikitang gulo sa China sa kasalukuyan.
Samantala, magpapatuloy anya ang pagpapatrolya ng militar sa mga ipinaglalabang teritoryo hinahamon man o hindi dahil mandato ito ng AFP.
Sinabi pa ni Andolong na kaya minamadali ang modernisasyon ng AFP ay upang mapalakas pa ang pagdepensa ng bansa sa mga teritoryo.
Nauna nang nagpahayag ng pagkaalarma ang Malacañan sa ulat tungkol sa posibleng deployment ng nuclear weapons sa South China Sea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.