MR ni Vitangcol sa kasong pangingikil, ibinasura ng Sandiganbayan

By Isa Avendaño-Umali August 23, 2018 - 08:52 PM

Ibinasura ng Sandiganbayan 3rd division ang pagpapa-rekunsidera ni dating Metro Rail Transit (MRT) General Manager Al Vitangcol sa naunang pagpayag ng korte na makuha ang mga testimonya ng mga saksi laban sa kanya sa pamamagitan ng video conference.

Ito ay para sa kasong katiwalian kontra kay Vitangcol kaugnay sa extortion o pangingikil ng $30 million sa Inekon Group kapalit ang maintenance contract ng MRT.

Sa pasya ng 3rd division ng anti-graft court, tinanggihan nito ang motion for reconsideration ni Vitangcol dahil sa kawalan ng merito.

Maliban dito, naihain ang MR ni Vitangcol nang lagpas sa limang araw na taning.

Sa MR ni Vitangcol, iginiit niyang huwag idaan sa video conference ang pagtestigo nina dating Czech ambassador to the Philippines Josef Rychtar na nasa Chile; at Inekon Group chief executive Josef Husek na nasa Czech Republic naman.

Katwiran ni Vitangcol, malalabag ang kanyang karapatan kung sa pamamagitan ng video conference ang pagtestigo ng dalawa at wala rin daw siyang tsansa na makompontra ang mga ito.

Subalit ayon sa Sandiganbayan, pinapayagan ang video conference bilang exception sa panuntunan ng korte.

Ihahanda naman ng 3rd divison ang requirements para sa pagkuha ng testimonya nina Rychtar at Husek.

TAGS: Al Vitangcol, Extortion, sandiganbayan, Al Vitangcol, Extortion, sandiganbayan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.