Mga Pinoy sa Hawaii pinag-iingat sa hagupit ng Hurricane Lane

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 23, 2018 - 09:50 AM

Pinag-iingat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang aabot sa 375,000 na mga Filipino sa Hawaii na maging maingat at maghanda sa paghagupit ng Hurricane Lane na isang Category 4 storm.

Mula Huwebes ng gabi ay inaasahang mananalasa sa Hawaii ang nasabing hurricane.

Ayon sa DFA, sa ngayon ay taglay nito ang lakas ng hangin na nasa pagitan ng 74 hanggang 100 miles per hour.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng DFA sa Filipino Community doon sa pamamagitan ng Philippine Consulate General sa Honolulu.

Ayon kay Consul General Joselito A. Jimeno nakataas na ang hurricane warning sa Big Island (Hawaii Island) at sa Maui, habang nakataas naman ang hurricane watch sa Oahu, kung saan naroroon ang Honolulu, at maging sa Kauai Island.

Nag-isyu na rin ng emergency proclamation si Governor David Ige sa buong Hawaii bago pa man ang pagtama ng bagyo.

Sa abiso ng konsulada sa mga Pinoy doon, pinayuhan silang maghanda ng emergency kits na tatagal hanggang labing-apat na araw.

TAGS: hawaii, Hurricane Lane, Radyo Inquirer, hawaii, Hurricane Lane, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.