Drake binisita ang 11 taong taga-hanga sa ospital para sa kanyang kaarawan
Tinupad ng sikat na Canadian rapper na si Drake ang pangarap ng isa niyang taga-hanga na kasalukuyang naka-confine sa ospital.
Sa kanyang personal na Instagram account ay ibinahagi ni Drake ang litrato kasama si Sofia Sanchez, 11 taong gulang.
Kasalukuyang naka-confine ngayon ang bata sa Lurie Children’s Hospital sa Chicago habang hinihintay na isailalim ito sa heart transplant.
Sinadya talaga ni Drake si Sanchez nang magtungo ito sa Chicago para sa kanyang concert tour.
Unang nag-viral sa social media si Sanchez matapos nitong sumayaw sa loob ng ospital kahit na mayroong nakasabit sa kanyang IV sa saliw ng hit single ni Drake na “In My Feelings.”
Ayon dito, para sa kanyang ika-11 kaarawan ay hiling niya na mabigyan na siya ng panibagong puso at makita ng personal ang kanyang idolong si Drake.
Kwento naman ni Drake, pinag-usapan nila ni Sanchez ang tungkol sa basketball at sa isa pang idolo nito na si Justin Bieber.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.