SC employees pumalag sa dagdag na buwis sa kanilang benepisyo

By Alvin Barcelona August 22, 2018 - 04:41 PM

Nagsagawa ng lunch break protest ang mga empleyado ng Supreme Court para suportahan ang hirit nitong pag- alis sa ipinataw na buwis sa kanilang benepisyo.

Ang kilos protesta na idinaos sa labas ng Korte Suprema ay pinangunahan ng grupong Confederation for Unity Recognition and Advancement of Government Employees o Courage.

Pagpapakita ito ng suporta sa motion for reconsideration ng grupong Courage na hinihiling sa SC na bawiin ang pagkatig nito sa memordum order number 23 ng Bureau of Internal Revenue na nagpapataw ng buwis sa allowance at iba pang benepisyo ng mga government employees.

Ayon kay Erwin Ocson, pangulo ng Supreme Court Employees Association, sa halip na buwisan ang kanilang benepisyo ay dapat pa nga taasan ng pamahalaan ang sahod ng mga empleyado.

Nanindigan ang grupo na dapat na mangibabaw sa kaso ang National Internal Revenue Code of 1997 na nagsasabing tanging ang mga cash gift at Christmas bonus na lampas sa P90,000 ang dapat buwisan.

Tinapos naman ang kilos protesta at nagbalik sa trabaho ang mga empleyado ng Supreme Court makaraan ang isang oras.

TAGS: benefits, BIR, courage, Supreme Court, tax, benefits, BIR, courage, Supreme Court, tax

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.