Lakas ng lindol na tumama sa Calayan, Cagayan kahapon itinaas sa magnitude 5.0

By Donabelle Dominguez-Cargullo August 22, 2018 - 11:03 AM

Itinaas ng Phivolcs sa magnitude 5.0 ang lakas ng lindol na tumama sa Calayan, Cagayan kahapon (Aug. 21) ng tanghali.

Sa earthquake information number 4 na inilabas ng Phivolcs alas 10:26 ng umaga ng Miyerkules (Aug. 22) mula sa magnitude 4.1 ay itinaas sa magnitude 5.0 ang pagyanig.

Sinabi rin ng Phivolcs na may mga naitalang intensities bunsod ng nasabing lindol, kabilang ang Intensity IV sa Calayan, Cagayan at Intensity II sa Claveria at Sanchez-Mira, Cagayan.

Nag-abiso din ang Phivolcs sa mga residente na posibleng magkaroon ng aftershocks dahil sa nasabing lindol.

Ang naturang lindol ay tumama sa Calayan alas 12:10 ng tanghali ng Martes.

TAGS: Cagayan, calayan, earthquake, Cagayan, calayan, earthquake

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.